halimbawa ng mga A+ na kuwentong pambata
alamat ng ahas
http://www.youtube.com/watch?v=UCUEXFoYXGc
astig na pagbigkas, guhit, at kuwento.
lego ang larawan
http://www.youtube.com/watch?v=kyj2dskzLyE
flash animation
http://www.youtube.com/watch?v=XoxGK6mVwxo
lego stop animation
http://www.youtube.com/watch?v=o2krHeyOaAM
suwabeng pagbigkas at musika
http://www.youtube.com/watch?v=-fBoCdzWDuI
ang teracotang maikli ang braso
http://www.youtube.com/watch?v=P48gsY9ARrs
astig na pagbigkas
http://www.youtube.com/watch?v=LS7AzwMKLag&feature=channel
Tuesday, March 9, 2010
Monday, March 8, 2010
samu't saring pagtulong--building the nation
HATID ng 4A at 4M 2010
tree planting
http://4a2010treeplanting.wordpress.com/
art installation about elections na naging spoof political campaign
http://ambotomo.wordpress.com
piso-piso para sa TD fund na naging outreach na may pinoy games
http://alberzing.wordpress.com
ateneo salon, buhok gagawing wig ibibigay sa cancer patients
http://daphbajas.wordpress.com
election awareness video
http://pelikulangtungkolsayo.wordpress.com
mabuhay bilang Muslim nang isang buwan
http://tabsir.wordpress.com/
gumawa ng podcast ng buong florante at laura para sa aced
http://floranteatlaura4m.wordpress.com/
mangolekta ng noli at fili sa ahs para ibigay sa aced
http://nolibookdrive.wordpress.com/
gumawa ng librito ng mga nakolekta at isinaling panalangin
http://sandalangin.wordpress.com/
http://sandalangin.multiply.com./journal
pagsasalin ng mga salitang teknikal (matematika, agham, etc) na wala pang salin
http://stalinpusa.wordpress.com/
talasalitaan ng florante at laura
http://ligtaskaybalagtas.wordpress.com/
outreach sa philippine children's medical center
http://www.youtube.com/watch?v=tFjkC3xxaB0

Thursday, September 10, 2009
SALAWIKAIN--Paglalagom ng Unang Markahan sa Unang Taon
Mga salawikaing medyo minadali pero astig pa rin.
Ang wika ay parang sapatos na bagong kuha--
masakit sa una ngunit giginhawa.
Miguel Dumlao 1-L
Kaibigan kong sinisinta,
madali lang palang makilala.
Paul Sason 1-L
Sa ibang wika gumala,
pero ang wika'y 'di nawala.
Marion Lopez 1-L
Gitara'y araw-araw tugtugin,
kung ayaw mong kuwerdas ay kalawangin.
Ian Invencion 1-L
Kahit alamat ay mamamatay
kung ang pagbigkas ay 'di makulay.
Brian Perez 1-L
Ang instrumento at ang musikero ay magkaiba
ngunit nagiging musika kapag magkasama.
Aaron Parlade 1-L
At ito, para sa mga nahihirapan pa rin:
Ang ating wika ay parang laro,
makaba't masaya kahit matalo.
Chester Kent Montenegro 1-L

Tuesday, March 10, 2009
DAPAT BAGAY
Pagsasanay sa organikong kaisahan.
1. Mag-isip ng bagay na nasa o malapit sa silid-aralan natin ngayon.
2. Bigyan ito ng personalidad. Maaaring iguhit.
3. Kapag nagsasalita na ito sa boses na hindi iyo, isulat nang malaya ang iniisip nito ngayon.
4. Paikliin at ilagay sa kalahating pahalang.
Ito ang ilang bunga. Kulang lang siguro ng isa pang edit.
Lagi na lang akong hinahawakan at tinitingnan. Sobrang kailangan niya ako. Paminsan-minsan lang naman siya natutuwa na hinahawakan at tinitingnan ako. Minsan pa nga nagagalit pa siya kung wala akong maibigay sa kanya, at halos tinatapon ako sa tabi. Maabuso siya. Kung naibibigay ko naman ang hinahanap niya, ang lambing niya! Ang paghawak niya sa akin ay nakakakilabot at ang bait niya sa akin. Ngunit, kahit papaano, kahit maibigay ko ang gusto niya, hindi ako talaga ang pinag-iisipan niya. Hindi ako ang minamahal niya.
--selepono, Mico Macadaeg 4N09
Alam ko na gusto mo na 'kong gamitin. Alam mo naman na 'di lang papel o styrofoam ang kaya kong hiwain e. Pwede mo 'kong gamitin sa iyong braso, leeg, kamao, o kung ano man! Pakawalan mo na ang iyong sarili sa lahat ng paghihirap mo! Iwanan mo na ang lahat ng bagsak mong long test at gamitin mo na ako! Sige na, painumin mo na ako ng iyong dugo! Mwahahahaha!
--bampirang cutter, Lem Ferrer 4N09
Lahat ng estudyante dito...ako ay iyong paglaruan..sige na, tamaan n'yo ako!!! HO!!! Ang SAKIT!!! Ang SARAP!!! Sige pa, mas malakas naman...ARAY!!! NAKS! ANG TINDI! Ay...sige pa, naririto lang ako...ako naman ang tamaan n'yo...sige, dyan mo ako hampasin...AGH!!! OH!!! Napapasigaw ako! Ang sarap ng sakit! Sige na 4N...kung wala kayong magawa, kung galit kayo, kahit ano...basta't kunin niyo lang ang panghampas at pakantahin niyo ako...bigyan niyo pa ako...ang sarap ng sugat...HO!!! NAKU, ANG SARAP!!! SIGE PA, HAMPASIN NIYO PA AKO AT KAKANTA AKO NANG MALIGAYA!
--drum set, JR Nario 4N09
1. Ako ang kuwentador. 2. Lahat ng bagay ay naka-ayos. 3. Kung ayaw mong magkamali, sundin mo ang tamang pagkakasunud-sunod ng numero. 4. Kung matigas pa rin ang ulo mo at gagawin ang nakagawian, syntax error ang kahahantungan ng iyong pagsuway! 5. Ang ggawin mo lamang ay pumindot, at ako na ang bahala sa sagot. 11. Sino ka upang labagin ito? 6. Teka lang. 10. Ang kaayusan ay mahalaga para sa akin. 7. Ano ang ginagawa mo? 9. Napakasimple lamang ng gagawin mo, hindi mo pa magawa? 8. Bakit mali ang pagkakasunud-sunod? 12. Ano nga pala ulit ang tawag sa iyo? 13. Tao ka nga lang pala!
--Owen Chua 4M09
Ako ang pinakamaangas na bigote sa buong mundo! Mga wala kayong kuwenta. 'La 'to. 'La 'to. Mamatay na kayong lahat kundi bubugbugin ko kayong lahat. Ako ang hari dito. Walang sinabi 'yung bigote nina Abbey at Sky. Nakakairita nga eh. Ang nipis. Parang di nagwoworkout. Wala. Supot. Ako ang hari dito, supot kayong lahat.
--Josh Imperial 4M09
Paikut-ikot na walang maliw,
Naghihintay kahit kaunting paggiliw,
Nanlilimos maski kaunting pansin.
Kailanma'y hindi naibibigay sa'kin.
Tuloy, nailalabas ko'y maruming hangin.
--standard electric fan, Mike Tamayo 4M09
Lahat kayo walang kuwenta. Sobrang ingay niyo pa. Wala rin kayong paki sa isa't isa, sa lahat at sa iba. Nakakahiya kayong mga Atenista. Akala niyo alam niyo na lahat, Pero talo ko kayo. Ako, kahit anong ilagay sa akin ay kaya kong alagaan nang mabuti. At pag may kailangang limutin ay kaya kong gawin. Hindi tulad niyong mga tao, mahirap matuto at 'di kayang limutin ang dapat limutin. Nakadidiri kayong lahat. Buti na lang at hindi ako tao, hindi ako katulad niyo. Dito na lang ako sa lalagyan ko. Habambuhay.
--4GB memory card, Vince Lim 4M09
Oh Inday! Oh Inday! Bakit mo ako iniwan?
Akala ko ba porever tayong magmamahalan? Diba ako ang Piolo mo,
at ikaw ang Angel ko? (Meron pa pero may gagawin na ako--serpao)
--tighiyawat, Samuel Santos 4A09
Coffee maker na motivator--Carlos Jesena 4M09

Masaya kapag diretso ang mga hanay.
Ang bawat upuan, may saktong sukat.
Ang bawat mag-aaral, may kinauupuan.
Pero walang buhay.
Nagkakabuhay lang kapag umuungol ang
mga paa ng upuan, kapag
pinakikialaman sila, kapag wala sa lugar.
Walang lugar ang buhay.
Walang lugar ang buhay na walang buhay.

--Louis de Jesus 4M09
Paikut-ikot na walang maliw,
Naghihintay kahit kaunting paggiliw,
Nanlilimos maski kaunting pansin.
Kailanma'y hindi naibibigay sa'kin.
Tuloy, nailalabas ko'y maruming hangin.
--standard electric fan, Mike Tamayo 4M09
Lahat kayo walang kuwenta. Sobrang ingay niyo pa. Wala rin kayong paki sa isa't isa, sa lahat at sa iba. Nakakahiya kayong mga Atenista. Akala niyo alam niyo na lahat, Pero talo ko kayo. Ako, kahit anong ilagay sa akin ay kaya kong alagaan nang mabuti. At pag may kailangang limutin ay kaya kong gawin. Hindi tulad niyong mga tao, mahirap matuto at 'di kayang limutin ang dapat limutin. Nakadidiri kayong lahat. Buti na lang at hindi ako tao, hindi ako katulad niyo. Dito na lang ako sa lalagyan ko. Habambuhay.
--4GB memory card, Vince Lim 4M09
Oh Inday! Oh Inday! Bakit mo ako iniwan?
Akala ko ba porever tayong magmamahalan? Diba ako ang Piolo mo,
at ikaw ang Angel ko? (Meron pa pero may gagawin na ako--serpao)
--tighiyawat, Samuel Santos 4A09
Coffee maker na motivator--Carlos Jesena 4M09
TANAGANG PISIKAL
Bunga ng lakbay-aral sa Wawa at La Mesa Dam,
mga tula ukol sa mga konsepto sa Pisika,
na hindi maiswasang may masabi ring higit pa.
Mahirap na gawain
Kailangang p'wersahin
Ang bagay palipatin
Maabot ang mithiin.
--Alcantara, Constantino, Curley, Nemeno 4M09
Sabi nila, kapag ika'y tinawag dapat kang sumagot.
Kapag ika'y tinulak dapat ay mahulog.
Pagkat ang bawat aksyon ay may kalakip na reaksyon
at pati sa anyaya ng buhay ay dapat tumugon.
--Shimamoto, Santos, Vargas, Yumol 4M09
Lulutang at lulutang
baho ng kasalanan.
At hindi magtatagal
Katarunga'y lilitaw.
--Abundo, Bautista, Dayao, Domingo 4M09
Sa tubig lumulutang
bangkang mula sa bayan,
dala'y mga kawayang
ditretsong pagawaan.
--Cellona, Chu, Pareja, Roxas, Sanchez 4M09
mga tula ukol sa mga konsepto sa Pisika,
na hindi maiswasang may masabi ring higit pa.
Ang puwersang ginamit
Ay siya ring babalik.
Binigay na pag-ibig
Siya ring makakamit.
--Julian Paterno 4A09
Ang bolang tumatalbog
Babalik pag nahulog.
Ang taong natalisod
Aakyat kahit pagod.
--Miggi Angangco 4A09
Kung mataas ang lipad
Mas mailis ang bagsak.
Palagi kang mag-ingat
Kung ika'y nangangarap.
--Marcus Napa 4A09
Mahirap na gawain
Kailangang p'wersahin
Ang bagay palipatin
Maabot ang mithiin.
--Alcantara, Constantino, Curley, Nemeno 4M09
Sabi nila, kapag ika'y tinawag dapat kang sumagot.
Kapag ika'y tinulak dapat ay mahulog.

at pati sa anyaya ng buhay ay dapat tumugon.
--Shimamoto, Santos, Vargas, Yumol 4M09
Lulutang at lulutang
baho ng kasalanan.
At hindi magtatagal
Katarunga'y lilitaw.
--Abundo, Bautista, Dayao, Domingo 4M09
Sa tubig lumulutang
bangkang mula sa bayan,
dala'y mga kawayang
ditretsong pagawaan.
--Cellona, Chu, Pareja, Roxas, Sanchez 4M09
Sunday, March 8, 2009
AWIT ng PAMAMAALAM 2008-2009
Inyong mga utang 'wag nang abalahin.
Salapi at pera inyo nang bulsahin.
Utang ko sa inyo 'di ko lilimutin.
Salapi't pera ma'y 'di kayang tubusin.
--Armando T. Miclat III 4A09
'Nung bago'ng kuwerdas ng aking gitara,
Ang hirap itono't pulos maling nota.
Ngunit sa pagtagal tunog di'y gumanda,
Maling nota noo'y naging mga kanta.
--Julian Cabrera 4A09
Monday, September 1, 2008
AWIT: Payo sa TD kids
Palibhasa'y bata, takot pa sa dilim.
Kinatatakutan anumang harapin.
Huwag kang mangamba, palaging isipin,
kahit na may gabi, may umaga pa rin.
Samuel Santos 4A09
Tingnan yaong ilog at ang lumalangoy.
Isdang gumagalaw, 'di nagpapataboy.
Taliwas sa kanya ang agos at daloy,
nakapapagod man, isda'y tumutuloy.
Julian Cabrera 4A09
Pader na semento'y mistulang harang.
Hindi na makita ang paroroonan.
Kung ito'y giniba, tanaw ang hangganan.
Kung ito'y pinatag, magiging daanan.
Mikhael Llado 4A09
Tulad ng dahon sa hangin ng panahon
o barkong sumakay sa tulak ng alon,
biyaya ng Musa ay h'wag mong itapon;
takbuhin ang landas ng 'yong inspirasyon.
Rodolfo Santiago 4A09
Malalim na dagat, dagat na madilim
ay nakatatakot, maalon, mahangin!
Pero, tumuloy lang sa tubig ng lihim.
'Pag ika'y naligaw, tumingin sa bit'win!
Michael Fua 4A09

Subscribe to:
Comments (Atom)