Tuesday, March 10, 2009

DAPAT BAGAY

Pagsasanay sa organikong kaisahan.
1. Mag-isip ng bagay na nasa o malapit sa silid-aralan natin ngayon.
2. Bigyan ito ng personalidad. Maaaring iguhit.
3. Kapag nagsasalita na ito sa boses na hindi iyo, isulat nang malaya ang iniisip nito ngayon.
4. Paikliin at ilagay sa kalahating pahalang.

Ito ang ilang bunga. Kulang lang siguro ng isa pang edit.

Lagi na lang akong hinahawakan at tinitingnan. Sobrang kailangan niya ako. Paminsan-minsan lang naman siya natutuwa na hinahawakan at tinitingnan ako. Minsan pa nga nagagalit pa siya kung wala akong maibigay sa kanya, at halos tinatapon ako sa tabi. Maabuso siya. Kung naibibigay ko naman ang hinahanap niya, ang lambing niya! Ang paghawak niya sa akin ay nakakakilabot at ang bait niya sa akin. Ngunit, kahit papaano, kahit maibigay ko ang gusto niya, hindi ako talaga ang pinag-iisipan niya. Hindi ako ang minamahal niya.

--selepono, Mico Macadaeg 4N09

Alam ko na gusto mo na 'kong gamitin. Alam mo naman na 'di lang papel o styrofoam ang kaya kong hiwain e. Pwede mo 'kong gamitin sa iyong braso, leeg, kamao, o kung ano man! Pakawalan mo na ang iyong sarili sa lahat ng paghihirap mo! Iwanan mo na ang lahat ng bagsak mong long test at gamitin mo na ako! Sige na, painumin mo na ako ng iyong dugo! Mwahahahaha!

--bampirang cutter, Lem Ferrer 4N09

Lahat ng estudyante dito...ako ay iyong paglaruan..sige na, tamaan n'yo ako!!! HO!!! Ang SAKIT!!! Ang SARAP!!! Sige pa, mas malakas naman...ARAY!!! NAKS! ANG TINDI! Ay...sige pa, naririto lang ako...ako naman ang tamaan n'yo...sige, dyan mo ako hampasin...AGH!!! OH!!! Napapasigaw ako! Ang sarap ng sakit! Sige na 4N...kung wala kayong magawa, kung galit kayo, kahit ano...basta't kunin niyo lang ang panghampas at pakantahin niyo ako...bigyan niyo pa ako...ang sarap ng sugat...HO!!! NAKU, ANG SARAP!!! SIGE PA, HAMPASIN NIYO PA AKO AT KAKANTA AKO NANG MALIGAYA!

--drum set, JR Nario 4N09

1. Ako ang kuwentador. 2. Lahat ng bagay ay naka-ayos. 3. Kung ayaw mong magkamali, sundin mo ang tamang pagkakasunud-sunod ng numero. 4. Kung matigas pa rin ang ulo mo at gagawin ang nakagawian, syntax error ang kahahantungan ng iyong pagsuway! 5. Ang ggawin mo lamang ay pumindot, at ako na ang bahala sa sagot. 11. Sino ka upang labagin ito? 6. Teka lang. 10. Ang kaayusan ay mahalaga para sa akin. 7. Ano ang ginagawa mo? 9. Napakasimple lamang ng gagawin mo, hindi mo pa magawa? 8. Bakit mali ang pagkakasunud-sunod? 12. Ano nga pala ulit ang tawag sa iyo? 13. Tao ka nga lang pala!

--Owen Chua 4M09

Ako ang pinakamaangas na bigote sa buong mundo! Mga wala kayong kuwenta. 'La 'to. 'La 'to. Mamatay na kayong lahat kundi bubugbugin ko kayong lahat. Ako ang hari dito. Walang sinabi 'yung bigote nina Abbey at Sky. Nakakairita nga eh. Ang nipis. Parang di nagwoworkout. Wala. Supot. Ako ang hari dito, supot kayong lahat.

--Josh Imperial 4M09

Masaya kapag diretso ang mga hanay.
Ang bawat upuan, may saktong sukat.
Ang bawat mag-aaral, may kinauupuan.
Pero walang buhay.

Nagkakabuhay lang kapag umuungol ang
mga paa ng upuan, kapag
pinakikialaman sila, kapag wala sa lugar.
Walang lugar ang buhay.
Walang lugar ang buhay na walang buhay.

--Louis de Jesus 4M09

Paikut-ikot na walang maliw,
Naghihintay kahit kaunting paggiliw,
Nanlilimos maski kaunting pansin.
Kailanma'y hindi naibibigay sa'kin.
Tuloy, nailalabas ko'y maruming hangin.

--standard electric fan, Mike Tamayo 4M09

Lahat kayo walang kuwenta. Sobrang ingay niyo pa. Wala rin kayong paki sa isa't isa, sa lahat at sa iba. Nakakahiya kayong mga Atenista. Akala niyo alam niyo na lahat, Pero talo ko kayo. Ako, kahit anong ilagay sa akin ay kaya kong alagaan nang mabuti. At pag may kailangang limutin ay kaya kong gawin. Hindi tulad niyong mga tao, mahirap matuto at 'di kayang limutin ang dapat limutin. Nakadidiri kayong lahat. Buti na lang at hindi ako tao, hindi ako katulad niyo. Dito na lang ako sa lalagyan ko. Habambuhay.

--4GB memory card, Vince Lim 4M09

Oh Inday! Oh Inday! Bakit mo ako iniwan?
Akala ko ba porever tayong magmamahalan? Diba ako ang Piolo mo,
at ikaw ang Angel ko? (Meron pa pero may gagawin na ako--serpao)
--tighiyawat, Samuel Santos 4A09


Coffee maker na motivator--Carlos Jesena 4M09

1 comment:

Spiddyock said...

Serpao, ako po ay 4-N PO :D 4-N at hindi 4-M! salamat!
-Carlos Jesena