Thursday, September 10, 2009

SALAWIKAIN--Paglalagom ng Unang Markahan sa Unang Taon

Mga salawikaing medyo minadali pero astig pa rin.


Ang wika ay parang sapatos na bagong kuha--
masakit sa una ngunit giginhawa.

Miguel Dumlao 1-L


Kaibigan kong sinisinta,
madali lang palang makilala.


Paul Sason 1-L


Sa ibang wika gumala,
pero ang wika'y 'di nawala.


Marion Lopez 1-L


Gitara'y araw-araw tugtugin,
kung ayaw mong kuwerdas ay kalawangin.


Ian Invencion 1-L


Kahit alamat ay mamamatay
kung ang pagbigkas ay 'di makulay.


Brian Perez 1-L


Ang instrumento at ang musikero ay magkaiba
ngunit nagiging musika kapag magkasama.

Aaron Parlade 1-L


At ito, para sa mga nahihirapan pa rin:

Ang ating wika ay parang laro,
makaba't masaya kahit matalo.

Chester Kent Montenegro 1-L